top of page

LATHALAIN

Ang Makateknolohiyang Suntok

Ni Palabok

Mga kalagayan ng mga atleta ay gumaganda na dahil sa  teknolohiya. Ang mundo ay patuloy na nagbabago. 

 

Mga teknolohiyang nagsisilibutan na sa ating mga lipunan. Ang teknolohiya ay patuloy na gumaganda at nakakatulong sa ating pang-araw araw na pangangailangan. Makakatulong ito sa mga patimpalak o kaya’t sa isports na ipinahawatig ng tatlong TNHS na estudyante noong Enero 15-20, 2024.

 

Sina Arnon Yzabel Guinto, Maria Fatima Uson, at Graciel Maria Delos Reyes ay nanalong silver sa creativity at bronze sa movie sa 25th International Olympic noong Enero 15-20 sa Athens, Greece. Talagang ipinahawatignila ang kakayahan ng mga Pilipino sa mga patimpalak sa teknolohiya. Mga utak na hindi ordinaryo lamang kundi mga isipang patuloy na nagbabago parang ang teknolohiya sa mundo.

 

Gumawa sila ng isang mekanismo para sa mga atletang boxers kung saan naItatala ang kanila heart rate at “intensity force” ng kanilang mga suntok. Talagang kamangha-mangha nga ang talentong ng mga tao sa Melting Pot ng Perlas ng Pitong Dagat. Sapagkat hindi man ito uso sa atin pero hindi na rin bago ang “Robotic” sa ating henerasiyon ngayon.

 

Ang teknolohiya ay halos kaibigan ng lahat pero gamitin din sa tamang pamamaraan. Ang mundong puno ng teknolohiya ay isang nakakamangha at nakakatakot din man na mararanasan natin. Ngayon ay imulagat din natin ang sarili natin sa robotic dahil baka isang araw ay makagawa din tayo ng isang makateknolohiyang suntok.

OPF-8

Tinta ng kalabaw, tinta ng balitang malinaw

Browse

Lupon ng editoryal

John Ra-ah Villanueva

Ron Vic Silverio

Gerald Bedania

Paul James Martin

Jordan Mikeford Villaflor

bottom of page