LATHALAIN
Bansang Bihirang Sikatan ng Araw
Ni Ube Keso
Tila espesyal ang mga aswang sa dito sa bansa, elegante kung manamit at tila walang bahid ng dugo ang kanilang mga bunganga.
Ihanda na ang mga pangontra at magtago na sa kanilang mga mata dahil walang pinipili ang mga aswang na ito. Uubusin lahat ng dugo at lamang loob ng mga nasasakupan nila.
Simula nang mamuno ang mga aswang na ito ay hindi na nakita pa muli ang liwanag. Ang mga tao ay nabalot ng takot at hindi makapagsalita. Dahil kung hindi ay kakainin sila ng mga aswang na ito na may matataas na upuan sa gobyerno.
Ang mga magsasaka, mangingisda, at uring trabahador ng bansa ay nagdudusa. Dahil kinakain lahat ng pinaghihirapan nila, sinasawalang bahala ang mga paghihirap nila. Dalawang milyong magsasaka, manggagawa, at uring mamamayan ay walang sapat na kita sa araw-araw.
Ngunit dumating ang panahon na ang liwanag ay unti-unting nakita. Gamit ang plakard ay isiniwalat nila ang baho ng mga aswang na ito. Gamit ang boses ay isinapubliko ang mga kabulastugan na ginagawa ng gobyerno.
Sa bansang bihirang sikatan ng araw, samahan natin silang sumandigan, labanan ang paghahari ng mga aswang.