ISPORTS
Laro ng Pinoy
Ni Pastilyas
Ang larong basketball ay tila isang sikat na laro sa bansang Pilipinas. Maraming tao ang nahuhumaling dito, halos (70%) ng mga Pilipino ay tagahanga ng larong ito. Kaya naman hindi mawawala sa isipan ng iba na ito lang ang larong pinapaburan ng mga tao.
Ngunit ang katotohanan ay hindi lang naman sa basketball umiikot ang mundo. Marami pang ibang laro ang sinasalahian ng mga Pilipino, ngunit dahil sa kawalan ng suporta ay tumitigil nalang sila. Nawawalan ng kompyansa na ipagpatuloy ang ginagawa nila.
Hindi maikakaila na pagdating palang sa tangkad ay talo na agad tayo. Pilit na inuuna ang larong maliit ang tiyansa ng mga Pilipino. Dahil aminin man natin o hindi ang larong basketball ay tangkad ang labanan, at ang Pilipinas lang naman ay pang lima sa pinakamaliliit pagdating sa tangkad sa buong mundo.
Kaya bakit hindi bigyang atensyon ang mga laro na mas malaki ang tiyansa nating mga Pilipino? Kagaya ng football, badminton, tennis, track and field, at iba pa, na kung bilis at liksi lang naman ang usapan ay panalo na tayo.
Kaya masasayang lang ang galing at husay ng mga Pilipino kung puro basketball lang ang laman ng utak ng mga tao.