ISPORTS
Garcia, Nilampaso si Duno
Ni Pastilyas
Nakamit ni Ryan Garcia ng USA ang World Boxing Association (WBC) Silver Lightweight na titolo matapos pataubin si Romero Duno ng Pilipinas sa unang round pa lamang na nagresulta sa kanyang pagkapanalo, naganap ang mabilis na laban na ito sa MGM Grand Garden Arena noong Nobyembre 2, 2019, Las Vegas, Nevada.
Inasahan ng mga tao na bibigyan ni Duno si Ryan ng isang mahirap na laban, ngunit isang round lamang ang kinailangan nito upang iuwi ang titolo.
“Everything in my division will realize they have to fight me” ani Garcia.
Sa isang right hook sa ulo natumba ang Cotabato City native, pilit na tumayo si Duno ngunit ito ay nabigo, nagresulta ito sa pagtapos ng referee sa laban, sa marka na 1:22.
Patuloy ang pamamayagpag ng 21 taong gulang na buksengerong ito matapos madagdagan na naman ang kanyang record, 16 knockouts at pang 19 na panalo, kaya naman hindi maglaon na sa paglipas ng panahon ay lalo pang lumaki at makilala ang kanyang pangalan sa kanyang larangan.