top of page

LATHALAIN

Gintong Sibuyas

Ni Ube Keso

416145222_734000592174410_6060301099917521449_n.jpg

Kapag hinahati ito sa kusina upang gamitin sa panggigisa ay hindi talaga mapigilan ng mga mata ang umiyak. Na sa pagdaan ng kutsilyo sa mga patong-patong na balat nito ay kasabay din ang pagtulo ng luha. Ngunit pano kung sabihin ko na sa panahon natin ngayon hindi sibuyas kundi sa presyo na nito ang dahilan nang pagiyak ng mga tao.

Kulang nga ba talaga? Yan ang tanong ng masa.

Sinasabing ang suplay ng sibuyas ay mababa kaya naman mala ginto kung presyuhan nila ito. Ang solusyon dito ng gobyerno ay payagan ang pagiimport ng sibuyas, mula sa lokal na presyo na 160 piso ay halos nakalahati ito. Pinapaliit ang sariling magsasaka at mas tinatangkilik ang sibuyas ng iba. 

Ang magsasaka ay kabilang sa lakas paggawa ng bansa, ngunit bakit ganito na lang kung ituring sila? Ang tanging kabuhayan ay until-unting kinukuha. Pinapatay ang tanging nagpapakain sakanila. 

Dalawang milyon ang mga magsasakang naghihirap sa bansang mayaman sa lupa. Kawalan nang suporta ng gobyerno ang nagiging dahilan upang maranasan nila ang mga bagay na ito. Ang bulok na pamamalakad ng gobyerno ang nagpapahirap sakanila.

Ang mga taong nasa ilalim ng araw buong maghapon at parang kalabaw kung kumayod ay hirap pang makakain ng tatlong beses sa araw-araw na pamumuhay nila.

OPF-8

Tinta ng kalabaw, tinta ng balitang malinaw

Browse

Lupon ng editoryal

John Ra-ah Villanueva

Ron Vic Silverio

Gerald Bedania

Paul James Martin

Jordan Mikeford Villaflor

bottom of page