top of page

Opinyon

Karangalang Dala ng Teknolohiya

Ni Ube Keso

Hindi "laruan lang" ang isang bagay na may kakahayang mabigyan ng karangalan hindi lang ang isang probinsiya, kundi pati ang buong bansa.

Naganap ang pakikipagtagisan sa robotics ng 1,400 na estudyante sa 25th International Robotics Olympiad (IRO) sa Athens, Greece noong ika-16 hanggang 20 ng Enero, 2024. Sa nasabing paligsahan, nakamit ng tatlong estudyate sa Tarlac National High School (TNHS) ang isang silver medal sa Creative category at isang bronze medal sa Movie category. Isa na namang katunayan na mataas ang kakayahan at pagkamalikhain ng mga Pilipino. 

Dahil sa pagkapanalo, ipinagmamalaki ng TNHS sina Arnon Yzabel Guinto, Maria Fatima Uson, at Graciel Maia Delos Reyes sa naganap na press conference briefing nito lamang ika-26 ng Enero, 2024. Kalakip ng kanilang robotics coach na si Russel E. Garcia, ninanais nilang mas makilala pa ang robotics education sa bansa.

Ayon kay coach Garcia, ang robotics education, na hindi karaniwang naisasali sa usapan ng pag-aaral sa bansa, ay hindi na bago dahil nangyayari na ito sa pamamagitan ng ating pagkasangkot sa teknolohiya. Sa ayaw man natin o gusto, tumpak ang isinambit ni coach, at sa katunayan, mainam ito upang may kakayahang makipagsabayan ang ating bansa sa kasikatan ng robotics sa buong mundo.  

Nararapat na hindi lamang sa Tarlac manatili ang kahalagahan at karangalan ng kanilang pagkapanalo kundi pati sa buong bansa. Hindi lamang kasi kahusayan sa pagkalikot ng elektronikong mga materyales ang kanilang ginawa kundi pati ang puspusang pagkilala sa kahalagahan ng ating kultura at sa kasuklaman na pumapalibot sa ating mundo. 

Sa pag-ugnay nila sa boxing hanggang sa pagbibigay ng inspirasyon para sa mga atletang may kapansanan, hindi natin maikakaila na hindi lamang sa teknolohiya nakapokus ang robotics kundi maaari rin itong maging plataporma upang bigyang solusyon at kamalayan ang mga dapat maresolba.

Laruan man kung tingnan ang mga elektronikong pirasong pinagtagpi-tagpi ng mga kamay ng estudyanteng may kaalaman, hinding-hindi malalaro ng ating isipan ang katotohanang nakapagbigay sila ng karangalan sa ating bayan. 

OPF-8

Tinta ng kalabaw, tinta ng balitang malinaw

Browse

Lupon ng editoryal

John Ra-ah Villanueva

Ron Vic Silverio

Gerald Bedania

Paul James Martin

Jordan Mikeford Villaflor

bottom of page