top of page

ISPORTS

Seoa, Wagi sa 9-Ball Women’s Championship

Ni Pastilyas

416140892_3051107888359212_2063969877249742901_n.png

Namayagpag si Seo Seoa ng South Korea kontra kay Rubilen Amit ng Pilipinas, 7-3, sa Kamui WPA 9-Ball Women’s Championship na naganap noong January 19-22 taong 2023, sa Harrah’s Resort, Atlantic City, USA.

Sa paguumpisa pa lamang ng laban ay ipinakita na agad ni Seoa ang kanyang galing matapos makuha ang unang puntos nang wala man lang mintis, at sa pagpapatuloy ng laro ay nakuha rin niya ang sumunod na puntos dito, 2-0. 

Bahagya namang nakabawi dito ang pambato ng Pilipinas na si Amit matapos makakuha ng isang puntos, 2-1.

Sa kalagitnaan ng laban ay dama ang pagkakaiba sa lakas ng dalawa, ito ay nang makuha ni Seao ang mga sumunod na puntos ng laro, 4-1

Pilit naman itong hinabol ni Amit na bahagyang nagtagumpay matapos maidikit ang laban, 4-3, ngunit hindi na binigyan pa ng pagkakataon ni Seao si Amit matapos tapusin ang laro sa puntos na 7-3.

Inuwi ni Seao Amit ang kampeonato sa nasabing torneyo at ang premyo na 30,000 dollars, tila kalmado ngunit dama sa kanyang mukha ang saya.

OPF-8

Tinta ng kalabaw, tinta ng balitang malinaw

Browse

Lupon ng editoryal

John Ra-ah Villanueva

Ron Vic Silverio

Gerald Bedania

Paul James Martin

Jordan Mikeford Villaflor

bottom of page