top of page

BALITA

Wikang Filipino nais ipagamit ng mga guro sa susunod na PISA

Ni Polvoron

421296725_752372983076287_3440559016488289239_n.jpg

Matapos magkaroon ng mababang marka ang mga mag-aaral sa Program for International Students Assessment (PISA) 2022, nais ipagamit ng ilang guro ang wikang Filipino upang makatulong sa pagpapataas ng marka.

 

Binanggit ni Reggie Rey Fajardo, Teacher I sa Mariano Ponce National High School at isang Filipino language advocate, isa sa kamalian ng mga guro ay ang paggamit ng ibang wika at hindi Filipino sa pag-administer ng PISA.

 

Aniya, “Siguro panahon na pakinggan ng Kagawaran ng Edukasyon ‘yong sariling wika sa pag-administer ng PISA sa Pilipinas.

 

Dagdag pa niya, mas mapapadali ang pag-intindi ng mga mag-aaral sa mga tanong sa PISA kung wikang Filipino ang ginamit doon.

OPF-8

Tinta ng kalabaw, tinta ng balitang malinaw

Browse

Lupon ng editoryal

John Ra-ah Villanueva

Ron Vic Silverio

Gerald Bedania

Paul James Martin

Jordan Mikeford Villaflor

bottom of page