top of page

LATHALAIN

Ni Ube Keso

416155742_1559253814827421_1532722968420949697_n.jpg

Ang tao, kapag tinamaan ng takot na mapanagutan, marami ang ginagawang aksyon na ubod ng kawalang-hiyaan at kawalang-kahulugan. 

 

Hindi matapos-tapos ang ingay ng sigawan, iyakan, galit na dinala ng walang katarungang proyektong ika nila ay upang maubos ang ilegal na gawain sa Pilipinas, walong taon ang lumipas. Walang tigil na panginginig na parang nakaupo sa isang bloke ng yelo ang binigay na epekto sa mga tao, lalong-lalo na sa mga nasa kangkungan.

 

Katotohanan ang sandatang ginagamit sa mga opisyal ng bayan na may pangharang na pera, titulo, at pagkakakilanlan na maski ang International Criminal Court (ICC) ay nakisali na sa labanan.

 

Masakit mang isipin ang kasuklam-suklam nilang ginagawa, masarap namang pagmasdan na sa segundong nawalan ng kapangyarihan ang isang kamao, at isang pirasong bato, takot at walang kahulugang pagrarason na ang biglaan nilang pinaghugutan.

 

Para sa hustisyang pilit nilang tinago gamit ang kanilang sinungkit na titulo, panahon na upang bayaan nating ang lahat ng imbestigasyong ating makukuha ay magpupunta sa kanila sa hawla na punong-puno ng mga tanikala.

OPF-8

Tinta ng kalabaw, tinta ng balitang malinaw

Browse

Lupon ng editoryal

John Ra-ah Villanueva

Ron Vic Silverio

Gerald Bedania

Paul James Martin

Jordan Mikeford Villaflor

bottom of page